Maligayang Pagdating sa database ng mga pangaral ng 'congregation of YHWH, Jerusalem' ! Language:


Tahanan
Hinggil sa amin...

 Mga Downloads:

Audio
Radio prog.
Video
Pag-aaral Ng Biblia
Mga Aklat
Biblia
Mga Programa

Mat 24 Project
Pandaigdigang Balita
Mga Kapistahan
Iskol

Mga Hiling ng Pagdarasal
Updates Mula sa Israel
Paano



Besucher Nr. 115698
HaYACHAD
School for Advanced Bible Studies
By the Sea of Galilee, Israel




Halika kayo at danasin ang
kabuoang karansan ng pagkatoto
hinggil sa lupain ng ating
pamana sa pamamagitan ng
di mapapantayang programa
sa lupain ng Israel.
Sumali sa mataas na antas ng
Pag-aaral at Seminar ng Biblia
sa napakagandang kapaligiran na
magbabago sa iyong
buhay magpakailanman.


Tungkol sa Hayachad

Ang salitang Hayachad ay nangangahulugang "Ang Pagsasamasama". Ang pangalang ito ay siyang ginamit ng mga manunulat sa 'Dead Sea Scrolls'para isalarawan ang kanilang kumunidad. Ito'y hindi paaralan ng theologiya ayon sa layunin, ngunit ito'y isang pinakamataas na antas na institusyon ng mga mag-aaral ng Biblia na gustong iangat ang kanilang pagtawag sa susunod na antas. Ang Hayahad ay isang paaralan ng disiplina, at ang mga disipolo ni Yahshua ay nangangailangang matoto ng disiplina sa ating mga buhay para magampanan ang isang dakilang mataas na pagtawag. Upang maging ganap na alagad ayon sa nakasaad sa mga kasulatan, kailangan mong maging ganap na may sangkap ng pangangailangan sa hindi lamang ng pagkatoto ng mga kasulatan pero higit sa lahat ay ang mabuhay ayon sa mga kasulatan. Kami ay talagang natutok sa paginsayo sa aming mga mag-aaral sa pamumunuan, bata o matanda ay walang pagkakaiba, at ang hinggil sa pamumuhay ng isang kumunidad at paghahanda upang maging puno ngayon para sa darating na Kaharian ng ELoHIM. Maging ikaw man ay kakatapos lang eskwela at gustong ihandog ang iayong bilang alagad ng ELoHIM o kaya'y matanda na at gustong gawin ang susunod na antas ng iyong pagtawag para maging ganap na kinakatawan ang pagsilbi ng ating Amang nasa Langit at ang kanyang mga anak.

Lubos naming hinahangad na matanggal ang isang pag-iisip na kanluraning Greeko na pag-iisip at ibali ang nararapat na sinaunang pag-iisip na Israelita. Sa layuning ito amin pong ihandog ang simula ng klase sa Biblical Hebrew upang ang mga estudyante ay matutong magbasa ng Biblia sa kanyang orihinal na linguahe na Hebreo. Tututukan din namin ang pagtuturo sa mga kalalakihan paanong maging pinuno ng kanilang kumunidada at ang mga kababaehan naman ay kung paanong maging mapitagang banal na mga babae, tulad kay SaRaH ng sinaunang panahaon. Ang pagtuturo sa mga kapatiran para maging isang disiplinado sa kani-kanilang pagtawag at kung paano sumunod ng mga pangangaral ay isang lalong malaking bahagi ng programa. Yaon lamamng pong may mapagkumbabang espiritu ang makikinabang sa insayong ito. Napakarami pong tao ang gumugol ng maraming taon sa kanilang buhay sa pagpunta ng makamundong institusyong ng pag-aaral upang matuto ng sekyular na mga kasanayan na halos ang lahat ay hindi magagami sa kapanahunan ng Kaharian, Hindi mo ba naisip na higit pang mahalaga ang ilang buwan sa iyong buhay upang matuto ng mga kasanayang magdala sayo sa Kaharian ng ating Amang nasa Langit?


Founder and President

Si Don Esposito ay isinilang sa New Jersy. Siya'y pinalaki bilang Roman Catholic hanggang sa siya'y sumali sa World Wide Church of God noong 1982. Siya ay nanatili sa Church of God hanggang 1995, nang binago ng mga pinuno ng simbahan ang halos lahat na napakahalagang doktrina tulad ng pagsunod sa Sampong Kautusan kasama na ang Ikapitong Araw ng Sabado(ShaBBaTh), at ang biblical na mga Kapistahan sa Leviticus 23. Si Don ay inoordenahan ng isang ministro ng Church of God 7th Day at simula ng pagkaordena sa kanya ay nagtatag siya ng isang independenteng paglilingkod(ministry) sa higit sa 30 bansa. Meron po siyang buwanang programa sa pamamagitan ng cds or dvds para sa éspirituwal na pagkain ng mga kapatiran sa buong mundo at meron din siyang libreng ikwartel na magazine ng artikulo na may espirituwal na benepisyo at kahalagahan sa pandaigdigang kaganapan na nangyayari patungkol sa mga mananamplataya.

Natagpuan niya ang kanyang asawa na si Petra sa Yerushalayim sa Garden Tomb noong 1997. Sila'y naninirahan sa Israel sa halos buong taon kung sila ay naghohost ng tatlong paglalakbay papuntang Yerushalayim na mga kapistahan ayon sa Deut. 16:16. Hinihikayat nila ang mga manlalakbay na pumunta sa Yerushalayim upang irepresenta ang kani-kanilang mga bansa, bilang pasimula sa nalalapit ng dumating ng isanlibong taong paghahari ni Yahshua. Ang nalalabing araw ng taon ay iginugugol niya sa paghikayat na gawain, sa pagbisita sa kanilang mga katipunan at magdala ng pianakakailangang tulong sa mga lugar tulad ng Kenya, Nigeria, Uganda, Philippines, Jamaica, China, Israel, at iba pang mga lugar.

Sinimulan ni Don ang Congregation of YHWH, Jerusalem bilang isang non-denominatioanl na katipunan upang ipaalam sa lahat ng tao anuman ang pinagmulan ang orihinal na ugat ng sinaunang Asembliya. Siya at ang kanyang asawa na si Petra ay nagho-host ng pangedukasyong paglalakbay sa Israel sa pakikipagtulungan ng ibat-ibang archaeologista na nagtrabaho sa Israel Antiquities Authority.

Sa mga paglalakbay na ito, ay bibisitahin nila ang mga archaeological na lugar na nagpapatunay ng pagiging tapat at pagkatoto ng mga kasulatan upang maitaguyod ang kanilang mithiin na matulungang madagdagan ang pananampalataya ng mga kapatiran sa pamamagitan ng pagkakatoto. Si Don ay naging studyante ng Biblia sa mahigit 27 na taon at siya ay manunulat ng kinilala sa buong mundo na aklat "The Great Falling Away", "The chosen people", at "Who Is the Messiah of Israel" Archeolohiya ng Biblia

Ang archeolohiya ay isang makabagong siyensiya na humigit kumulang 130 taon. Sa pamamagitan nito maraming lugar at kwento ng Biblia na napatunayan at napagtibay.
Sa Hayachad, ang Archeolohiya Biblikal ay isang pamunuangsulok upang patunayan sa mga skeptico ang katotohanan ng kasulatan. Hangarin naming maging tagapagturo ang ilan sa mga nangingibabaw na mga archeolohiko ng Israel tulad kay Avner Goren, Gabi Barkai, Danny Herman at iba pa.

Magkaroon kami ng tatlong bahagi ng programang archeolohiya sa Hayachad. Ang unang bahagi ay isang pag-aaral ng archeolohiyang biblikal sa loob ng silid-aralan. Ang ikalawang bahagi ay educational filed trip kung saan pupuntahan namin ang mga archeological sites sa lupain ng Israel at pag-aralan kung ano ang buhay meron ang sinaunang Israelita, at ang pangatlong bahagi ay isang tunay na paghuhukay. Ang aming mga studyante ay makakapunta rin sa headquarter ng Israel Antiquity Department sa Jerusalem at matuto ng unang una tungkol sa biblical archeology doon.


Ang Simula ng Kristiyanismo

Sa klaseng ito ang aming mga studyante ay babalik sa 2000 taon sa panahon ng unang siglo kung saan nabuo ang sinaunang katipunan ng mga mananampalataya. Ang mga studyante ay magkaroon ng pagiisip ng sinaunang Israelita at malaman kung ano ang naging kadahilanan ng bansang Israelita sa paghanap na kanilang Messiah. Matutunan din ng mga studyante kung ano ang ang mukha ng sinaunang katipunan. Paano nila pianapatakbo ang kanilang pagsamba. Ano ang kanila paniniwala, at kung paano ang pagkaroon ng kumunidad at kung gaano ito kaimportante sa mga sinaunang mananmpalataya, na napakalayo po sa mga makasariling kaugalian na makikita natin sa ngayon. Ang ikalawang bahagi ng kurso ay pagtatalakay ng mga pagbabago ng Kristiyanismo ng ikalawang siglo hanggang sa ikaapat na siglo sa pamamagitan ng kasaysayan patungo sa napakalaking pagbabago na ginawa ni Constantino at ng Consejo ng Nicea noong 324 A.D. Magkaron din kami ng pangalawang kurso sa mga liham ni Apostol Pablo.


BIBLICAL HISTORY

Maraming tao ang nagsasabi na ang kasaysayan ay hindi lamang susi sa nakaraan kundi susi rin sa hinaharap. Kung hindi tayo natuto sa kasaysayan tayo ay maaring magkamali rin tulad mga pagkakamali ng ating mga ninuno. Ang buong bansang tinawag na Israel ay napunta sa ibat-ibang bansa o diaspora dahil sa pag-ulit din sa mga pagkakamali ng salinlahing nauna sa kanila.
Sa Paaralang ng Hayachad, ang ating mga estudyante ay huhukay sa sinaunang biblikal na kapanahunan ng mga Assyrian nang sakupin nila ang Hilagang Bahay ng Israel or Hilagang Kaharian ng Israel, at ang mga emperyo ng Ehipto at Babilonia at ang ikalawang pagkabihag ng Judah sa Babilonia. Hindi lamamng ang pagkatuto ng mga estudyante sa pisikal na pangingibang bayan ng sinaunang mga Israelita pero higit sa lahat ay kung bakit sila nabihag at matutong hindi gagawin ang kamalian nitong napakahirap at masalimuot na katapusan ng kapanahunan na tayo'y namumuhay. May klase din tungko sa lahat na pakikipagtipan ni YHWH na makikita sa kasulatan.

Para sa presyo ng Fall Semester at applications, makipag-ugnayan lamang po sa:

Hayahad School of Higher Biblical Learning
Po Box 832 Carteret NJ 07008


huling pagbabago: Aug 2023, Para sa teknikal na problema sumulat sa E-Mail