Naniniwala kami na ang Yahweh ay isang
apelyedo na binubuo ng Yah, Yahweh ang Ama, at Yahshua ang kanyang Anak.
Naniniwala kami na sila ay dalawang hiwalay na mga persona, pero nagkakaisa
sa pag-iisip, kalooban, at pag-ibig sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Ang Gen 1:26, and Gen
19:24, ay nagpapakita nitong dalawang personalidad. Ang Deut 6:4, ay nagsabi rin
"Yahweh Elohim, Yahweh Echad" (nagkakaisa,
kataastaasan). Ang salitang Echad sa Hebreo ay naghahayag ng
pagiging dalawang Yahweh. Naniniwala kami na si Yahweh ang Ama ay mas higit
kay Yahshua ang Anak, (Jn 5:30, Matt 19:7) sa kapwa kapangyarian at
Kapahintukutan, subalit nag-utos sa atin na igalang si Yahshua tulad ng paggalang natin sa kanya(Jn
5:23).
Naniniwala kami na si Yahahsua
ay isang Mensahero ni Yahweh sa TaNaCh(Old Testament) Is 42:1,
Ex 3:2, Gen 18:1-33 Ps 110 1:7 Ps 45:1-8, Ps 2:1-7, at saka natatanging
anak ni Yahweh(Pr 30:4). Ang salitang Hebreo na
"Malak" na isinasalin sa Ingles sa halos lahat na kalagayan ay
Anghel, ang literal na kahulugan ay Mensahero. Kahit ang mga
ay tinaguriang Malach(2 Sam 11:19). Si Yahshua ay isang Malach o Mensahero ni Yahweh,
pero hindi isang Angel(Heb 1:5,13) siża ay isa ring Elohim (Jn 1:1-13).
Naniniwala kami na ang lahat ng tao ay makasalanan at naghihintay na lamang sa paghatol ng
kamatayan dahil sa kasalanan (Ro 3:10-20, Ps 5:19, Ps 10:7 Ps 14:1-3).
Naniniwala kami na sa pamamagitan ng kanyang pag-ibig nang
tayo ay makasalanan pa (Jn 3:16, Ro 5:8) ipidala ni Yahweh ang
ang kanyang bugtong na anak na si Yahshua, ang
Mensahero ng Pakikipagtipan upang mamatay para sa parusa ng ating paglabag
sa batas, at kinuha ang ating Usapang nasusulat sa mga palatuntunan laban sa atin (Col 2:14)
at ito'y ipinako sa kahoy nang siya'y namatay. Naniniwala kami na sa pamamagitan ng pagsisisi,
at paniniwala sa pagbalata ni Yahshua para sa kapatawaran
ng ating kasalanan, at binabawtismohan (baptized) sa pangalan ni Yahshua,
at sa pagpapatong ng mga kamay ng kapulungan ng mga presbitero
para sa pagpamahagi ng Banal na Espiritu, na tayo'y umalis galing sa kamatayan patungo sa buhay,
at ang ating kasalanan ay piantawad at ang parusang kamatayan ay tinanggal. Sa
pagsisisi, kailangan tayong tumalikod ng tuluyan sa ating dating makasalanang kalikasan
patungo sa kalikasan ni YHWH.
Naniniwala kami na kami ay naligtas sa pamamagitan ng grasya
sa pamamagitan ng pakikipagtipan ng pananampalataya. Wala pong ibang
paraaan na tayo'y makaipon ng ating kaligatasan. Ang pagiging mabuti ay
hindi nakakapaggal ng ating(kasalanan). Sa pamamagitan lamamng ng
pagtanggap sa dugo ni Yahshua sa pagbayad ng parusang kamatayan tayo maliligtas.
Naniniwala kami na sa oras ng ating kaligtasan tayo
na kailangang lumakad tayo sa panibagong buhay(Ro 6:1-23), at
huwag nang gumawa ng kasalanan (Lk 13:1-5, Jn 8:11), at sumunod sa kautusan o Torah ni Yahweh.
Hindi natin sinusunod ang Torah para maligtas, dahil sa pagtanggap ng
dugo ni Yahshua para sa ating kasalanan tayo ay naligtas na. Sinusunod natin
ang Torah para malugod ang ating Amang nasa langit, at ito'y nagtuturo sa atinng tama
mula sa mali (Ps 119:105). Naniniwala kami na
ang pagsunod sa kautusan ni Yahweh ay pagpapakita na tayo ay talagang nagmahal sa kanya (1 Jn 2:2-4),
ito'Y sumasaklaw sa iaktlong utos sa hindi pagpalit ng kanyang pangalang YHWH.
Naniniwala kami at nagdiwang ng Araw ng Sabbath ni Yahwhe ,
sa pagpuri kay Yahweh at Yahshua bilang
mga maylikha ng sangsinukob, at naniniwalang ito ay isang palatandaan niya
at ng kanyang mga anak(Ex 31:12-19). Iginalang din namin ang kanyang Banal
na pagtalaga sa atin na makikita sa Leviticus Kapitulo 23, yamang ang mga ito'y nagpapakita ng kanyang
gawang pagliligtas sa sangkataohan sa pamamagitan ng dugo ng kanyang anak.
Naniniwala kami na ang totoong mananampalataya ni Yahshua
ay makikilala sa kanyang mga bunga(Matt 7:17-23), at
sa pamamamgitan ng kanyang dalisay na pag-ibig sa iba (Jn
13:34-35). Ang totoong mananampalataya ay kahit pa man ay kailangang magmahal ng kanyang kaaway.
(Matt 5:43:48). Ang totoong mananampalataya ay magsakripisyo at magbigay
sa mga mahihirap at mga nangangailangan, at kalingain ang mga ulila at bao.
Hindi siya sakim sa salapi at ibang mga makamundong mga bagay
bagkos ay ang kanyang puso ay nakatuon sa paglingkod kay Yahweh at makalangit na mga bagay.
Hindi siya nangungundena sa iba, sa kaalamang kailangan niya rin
ang grasya ni Yahweh, at palagi siyang nagpapatawad sa iba kahit na siya
ginawan ng pagkakamali. Ang tunay na pag-ibig ay labis na kailangang
katangian ng isang tunay na mananampalataya, hindi ang isang uri ng kaalaman.
Ang totoong mananampalataya ay isang alagad ni Yahshua,
at mamahagi ng kanyang kaligtasan sa iba.(2 Cor
5:14-21). Ang Kaharian ni Yahweh at hindi kayaman o mammon ang
palging nangunguna sa kanyang buhay(Matt 6:24,33).
Naniniwala kami na si Yahshua
ay babalik sa mundo sa isang literal na 1000 taong paghahari, at ang kanyang
kaharian ay manatili magpakaylanman. Naniniwal kami na yaong mga tapat na loob,
ay mabuhay muli galing sa mga patay, at maghari kasama niya bilang Hari
at Pari sa mundo (Rev 5:10). Ang mga masama ay makatanggap ng parusang walang hanggan.
Sa kanyang pagbalik, pagkakaisahin din niya ang
Bahay ni Yahudah at ang Bahay ni Yoseph bilang isa (Ezek
37). Naniniwala kami na ang Ama ay kasalukuyang kumikilos para sa
Bansa ng Israel, at bilang mga mananampalataya ay kailangang tumutok sa pagtawag
muli sa mga nawalang tupa sa Bahay ni Israel. “Kung ang isang tao na galing sa mga
Bansa ay darating sa pananampalataya kay Yahshua at mabawtismohan sa tubig siya
ay magiging kasama sa mga binhi ni Abraham at tagapagmana ng kaharian.
Congregation of YHWH P.O. Box 832 Carteret, NJ
07008
|